Aklat ng Kaisipan: Kwento ng aking buhay-pelikula

BLOOM, Petals Production Team (BERT,2019)

Sa matagal na panahon ay meron akong tinatagong kakayahan at pagiidolo sa mga direktor at sa mga kilalang produksyon na gumagawa ng pelikula, sa paghawak ng kamera bilang isang instrumento para magkwento ng isang naratibo. Dahil dito ay nagkaroon ako ng hilig sa kakanood ng mga palabas sa telebisyon at sa internet, ito den ang dahilan kung bakit pumasok ako sa unibersidad ng Mapua. Kasi kilala ang establishimento sa kakayahan ng mga estudyante nito sa paggawa ng sining, kaya nagbabasakali ako na baka dito ang aking unang yapak para sa direksyon na aking tatahakin bilang isang taga kwento at bilang malikhaing tao.

Bilang isang taga kwento ng madaming naratibo ay mapapaisip ka lang talaga, kung sino at paano ka gumawa ng isang storya kaya dapat maiging manood ka lagi ng pelikula para mahasa ang iyong imahinasyon. Ang aking libangan ay umiikot na sa palabas kaya gusto ko syang masama sa plano ko sa hinaharap. sa plano kong maging direktor ay dapat natin isipin na lahat ng bagay na ating nakikita ay mga storya at may kontrol ka sa paano ikwento at mabigay ito ng malinaw sa iyong manonood. pagisipan ng mabuti na hindi lang ikaw ang gagawa nito, kundi isang produksyon kaya dapat sa eskwelahan palang ay magkaroon ng mga kaibigan para makwento ito ng masaya at may pagsasama ng bawat isa. Mahirap sya sa simula dahil di ako sanay sa pakikipagusap pero dapat mahasa ang aking isipan ang itaas ang kakayahan para sa ikakaunlan ng sarili.

BLOOM, Petals Production Team (BERT,2019)

Sa isang taon na nag-aaral sa unibersidad ng Mapua ay may mga nakasalamuha akong mga gumagawa ng sining at napapasama ako sa kanilang mga gawain, mahirap nga sa simula pero habang tumatagal ay maituturing ko silang mga kaibigan. nakagawa kami ng pelikula sa unang beses at dahil dito gusto namin tumagal hanggang magtrabaho sa industriya ng pelikula. kaya porsigido ako sa sarili na gumawa ng mga bagay na hindi mo talaga inisip na gagawin mo sa buong buhay mo, ito ang mga tumatagal sa isipan kaya gawa lang ng gawa, makakagawa den tayo ng pelikula!

Renz Bryan Mangali

Pagguhit – Larawan ng Imahinasyon at Buhay

Isa sa mga gawaing nakakapagbigay ng relaksasyon ay ang pagguhit. Ang mga ideyang naiipon sa isipan ay maaaring gawing mga larawan gamit lamang ang ilang kagamitan. Ang pagbibigay-buhay sa emosyon at ideya ay maaaring magpagaan ng loob kung mayroong mahirap na pinagdaraanan. Hindi lamang nito napabubuti ang kaisipan kundi pati na rin sa pagiging malikhain. Ito rin ay maaaring gawin kahit ano man ang oras o kaganapan, bata man o matanda. Isa itong libangan o propesyon na maaaring kunin ng kahit sinong interesado rito.

Ang pagguhit bunga ng karanasan at alaala ay nakabubuti sa kaisipan. Ang alaala ay isa sa mga kayamanan ng buhay na maaaring panghugutan ng mga iguguhit na larawan. Ito ay koleksyon ng mga karanasan na nagsisilbing gabay sa pamumuhay ng tao. Ang alaala ay maaaring maganda at minamahal, o kaya naman ay nakakalungkot. Ano man ito, nakatatak ito sa isipan at nagbubunga at kaakibat ng mga emosyon. Maaari rin na bigyan ng iba pang hitsura ang mga ideyang ito gamit ang imahinasyon. Ang mga emosyon at ideya na bunga ng karanasan ay maaaring bigyan ng buhay gamit ang pagguhit. Sa pamamagitan nito, maaaring mailabas ang mga damdamin na hindi naipapakita gamit ang mga salita. Kung minsan, mas nakakagaan sa kalooban na nakikita ang larawan ng iyong mga damdamin at imahinasyon. Ang mga larawang iginuhit ay maaaring balikan bilang panibagong alaala na tatatak sa isipan ng gumuhit at mga nakakakita nito.

 © Alena Aenami

Hindi man alaala o karanasan ang larawang nais iguhit kundi pawang bunga ng imahinasyon, ay hindi hadlang dahil ang gawaing ito ay natatangi sa tagaguhit. Siya ang nagpapasiya kung ano ang kanyang ilalarawan at kung ano ang kakalabasan nito. Maaari itong maging personal o sumalamin sa mga suliraning panlipunan. Maaari rin itong pansarili, o ialay para sa mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Napakaraming bagay na maaaring iguhit at ilarawan at hindi nalilimitahan ang mga maaaring maabot ng pagguhit at tagaguhit.

Ang pagod na nararamdaman sa pangaraw-araw na buhay ay maaaring mawala sa iilang minuto o oras na ilalaan sa pagguhit ng mga larawan. Libangan man o propesyon, nagsisilbi itong panandaliang paraiso ng kaisipan, malayo sa mga nakakasakit na reyalidad na nagpapabigat sa kalooban. Ang mga karanasan ay ideyang natatago sa isipan lamang ay maaaring bigyan ng buhay gamit ang pagguhit. Kaiba sa pagkuha ng litrato, ang pagguhit mula sa imahinasyon ay natatangi lamang sa gumagawa nito. Kung gugustuhin, ito ay maaaring maging salamin ng kalooban o lugar na ginagalawan. Ang tagaguhit lamang ang may hawak ng kanyang larawan, na siyang sumasalamin sa kanyang sarili. Kung tatahakin ang pagguhit ay tiyak na magkakaroon ng panibagong pananaw sa buhay, bunga ng pagkakaroon ng mas matalas na imahinasyon at malinaw na isipan.

Marianne Banquerigo

Ang pagdedesenyo ng Publication Materials o “PubMats”

Ang opisyal na poster/Pubmat ng FROSHS Week 2019

Ang bawat impormasyon ay dapat may karampatang biswal na interpretasyon. Dito pumapasok ang malikhaing paggawa ng mga publication materials o mas kilala bilang “PubMats”.

Ang opisyal na poster ng nagdaang Mr. And Ms. Cardinals 2019

Bilang isang mag-aaral ng Multimedia Arts, isa sa mga kasanayan na aming tahasang idine-develop ay ang malikhaing pagsasabuhay ng mga datos sa mas pinasimpleng mga biswal na intepretasyon. Ang nilalayon ng pubmats ay upang mas madaling maintindihan ng mga mambabasa ang nais iparating. Ito rin ay ginagamit din sa mga okasyon upang makapanghikayat ng mga dadalo sa nasabing gaganaping pangyayari.

Ako bilang isang dating miyembro ng creatives team ng Mapua Central Student Council ay nakapaglathala ng ilan mga pubmats tungkol sa mga kaganapan sa loob ng unibersidad. Ang bawat pubmat na aking ginagawa ay itinuturing ko bilang aking “brain child” sapagkat napadaming oras ang aking iginugol upang gawin at mai-presenta ang maayos ang mga datos na nais ipahayag ng organisasyong aking kinabibilangan. Higit pa rito, isa rin itong karangalan dahil ako ang lumilikha ng magiging panglahating mukha ng naturang organisasyon dahil sa natatanging disenyo na aking nagagawa.

Hindi maikakaila na talagang napamahal na ako sa paggawa ng mga ganitong klase ng malikhaing gawain. Ito rin ay nagsisilbing isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko pang pagbutihan pa lalo sa larangan ito.

Narito ang ilan sa mga proyektong/pubmat na aking ginawa:

Derek Cabatbat

Ang mahika ng musika

Ang musika ay parang isang mahika. Nagbibigay ito ng istorya at gabay ang musika. Kung mayroon man akong problema, minsan ang karamay ko ay ang musika. Tutugtog ako ng aking paboritong musika habang ako ay gumagawa ng takdang aralin o naglilinis ng bahay para ganahan ako sa paggawa. Nagsisilbing alala rin ang musika. Maaalala mo agad ang isang mahalagang pangyayari kapag naalala mo ang musika na pinapatugtog noong oras na iyon. Parang tinatablan ka ng isang mahika kapag nakarinig ka ng musika.

Noong bata hanggang pagtanda ko, ang mga musika na naririnig ko ay nagsisilbing memorya sa mga masasaya at malulungkot na pinagdaanan ko. Naalala ko ang mga kantang kinakanta ng aking mga tita at tito kapag meroong kantahan sa bahay lalo na kapag mayroong okasyon. Naririnig ko pa ang mga kanta na pinapatugtog sa radyo ng aking lola. Kahit sya ay namayapa na, kapag naririnig ko ang mga kantang pinapakingan nya noon ay naalala ko ang mga masasayang kwentuhan at kainan noong sya pa ay nabubuhay.

Kapag ako ay nagagalit o nalulungkot, nagsisilbing pampakalma ang mga paborito kong mga musika. Parang pinapagaling ka ng mga musikang ito ng di mo napapansin agad. Kada salita o liriko ng mga musika ay parang “enchant” ng isang mahika. Nakakabilib ang mga naitutulong sa akin ng musika at pati sa buong bansa o pwede rin sa buong mundo. Iba talaga ang naiibigay sa atin ng mga musika ng panahon.

Yeshua Torres

Astrolohiya: Gabay sa Buhay

© Adobest/Getty Images

Sa mga diyaryo at maging sa mga magasin, madalas ay makakakita tayo na bahagi ng mga ito na tinatawag na horoscope. Dito nakalagay ang labindalawang zodiac signs at ang kapalaran ng bawat isa sa araw na iyon. Marahil ay may mga pagkakataon na makapagbabasa ka ng horoscope mo at maiisip na parang hindi naman tugma sa sarili mong personalidad o pagkatao ang inihahayag sa horoscope. Ito ay dahil ang alam lamang ng karamihan ay ang kanilang sun sign, o ang signo na nakadepende sa araw ng kapanganakan ng isang tao (gaya ng kung ang kaarawan mo ay kasama sa saklaw ng panahon mula Oktubre 23 hanggang Nobyembre 22, nangangahulugan na ang sun sign mo ay Scorpio). Ngunit sa katunayan ay mayroon pang tinatawag na moon at rising signs, at maging mga signo sa mga planeta gaya ng Mercury, Venus, Mars, at iba pa. Itong lahat ay bumubuo sa pagkatao ng isang tao at hindi nga lamang nakabatay sa sun signs na akala ng karamihan ay iyon na ang nagrerepresenta o gumagabay sa kanila bilang kabuuan.

Napakalawak ng sakop ng astrolohiya kung kaya’t para sa komposisyon na ito ay ang tinatawag na ‘big three‘ lamang ang tatalakayin. Ang big three ay binubuo ng sun, moon, at rising signs ng isang indibidwal. Tinawag itong ganito sapagkat itong tatlo ang may pinakamalaking impluwensiya sa buhay ng isang tao kumpara sa iba pang mga aspekto ng astrolohiya. Ang sun sign ay ang siyang kaibuturan ng ating pagkatao. Gaya ng araw na sentro ng sansinukob, ito rin ang sentro ng iyong pagkatao. Kumbaga ito ang nagsisilbing pinakatema ng iyong buhay. Ang moon sign naman ay ang nagrerepresenta sa ating mga nararamdaman at mga emosyon. Ito rin ay may kinalaman sa iyong subconscious. Panghuli, ang rising sign o tinatawag din na ascendant ay kung paano inirerepresenta ng isang indibidwal ang kanyang sarili sa iba. Kung kaya naman kung may pagkakataon na nasabihan ka na parang ‘di ka katulad ng iyong zodiac sign (na karaniwang alam ng mga tao na katunayan ay iyong sun sign lamang), ito ay dahil mas kita o halata sa iyong mga kilos o galaw ang mga katangian ng iyong rising sign.

Ang mga nabanggit ay pahapyaw pa lamang sa kung paano nagkaroon o mayroong koneksyon ang astrolohiya sa ating buhay. Hindi naman kailangan itong paniwalaan ng lahat at totoo namang hindi lahat ng sinasabi sa larangan ng astrolohiya ay maiaangkop sa ating buhay. Ika nga ng isang sikat na astrologo dito sa Pilipinas na si Zenaida Seva, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will. Gamitin natin ito.”

Reena Dimaandal

Sanggunian:
A Brief Introduction to Astrology: the Planets. (n.d.). Retrieved January 9, 2020, from https://www.astro.com/astrology/in_planets1_e.htm.

Bagong Taon, Bagong ako?

Enero 01, 2020

Sa sarili ko ngayong 2020,

Ang taong 2019 ay isang taong tila sinubok ang aking buong pagkatao. Hindi lang sa pag-aaral, pagka-kaibigan, at pamilya, kundi sa aking sarili na rin. Marami mang naging pagsubok, masasabi kong naging maayos ang taon na ito sa kabuuan. 

Hindi ko lubos maisip ang mga nangyari noong nakaraang taon. Mga pangyayaring ni minsan, ‘di sumagi sa utak ko, na magaganap sa talambuhay ko. Pakiramdam ko’y para bang sinagasaan ako ng tren tapos may sumunod pang trak na mas mabigat pa sa elepante. Sa sobrang gulo ay tila nawala ako sa kasarinlan. 

Sa unang bahagi ng taon, malay ko ba noong umibig at masaktan? Hindi pa nga ako nagkakagusto sa iba, kaya laking gulat ko nang magkaroon ako ng minamahal. Ang nakakatawa roon ay kung gaano kabilis naging kami ay ganun rin kabilis natapos ang aming relasyon namin. Todo-todo ang hagulgol ko, at paulit-ulit kong sinasabi na nawalan ako ng lakas mabuhay. Oo, kinakahiya ko sarili ko hanggang ngayon. 

Sa kalagitnaan ng taon, mga nasa Hunyo hanggang Agosto, habang ako ay nagmumukmok tungkol sa aking pagiging sawi sa pag-ibig, ay ang pagdami ng responsibilidad. Kasabay ng pagsali ko sa isang organisasyon sa unibersidad ay ang pagtaas ng kahirapan ng mga aralin. Kahit gulong-gulo na ako sa kung ano ba talaga ang dapat unahin, pinilit kong hindi mawala sa pokus sapagkat kinakailangan kong matupad ang aking layunin, ayun ay makatapos ng pag-aaral sa madaling panahon. 

Noong Oktubre, akala ko hindi na ko magkakaroon pa ng kahit ano pang aberya dahil patapos na yung taon. Hindi pa pala. May humabol pang isang malaking problemang ‘di ko inaasahan. Ang depresyon dulot ng pagkagalit sa sarili. Lubos kong kinamuhian ang sarili  ko dahil iniisip ko na wala akong naitutulong sa iba. Dahil dito, nagkulong ako sa kwarto, umiwas sa aking mga kaibigan, at pinabayaan ang aking pag-aaral. Araw-araw nalulungkot ako at naiiyak ng walang kadahilanan. 

Hanggang sa ngayon, mayroon paring natitirang lungkot sa aking puso subalit sa pagsasara ng taon, ibig ko sanang magsimula muli. Sa sarili ko ngayong 2020, gusto kong limutin lahat ng sakit na naipon sa aking damdamin at magpursiging maging masaya at matatag ang loob para sa kinabukasan. Gawin mong misyon yan. Huwag kang matakot maging masaya at huwag ka na magpakatanga.

Lea Evangelista

Mga huling saglit ng 2019

Repleksyong Papel

Ang kauna-unahang Paskong Mapúan

Noong Disyembre 2019, ginunita ang kauna-unahang Paskong Mapuan kung saan naipamalas ng mga mag-aaral at mga guro ang kanilang angking galing sa sining sa pamamagitan ng iba’t ibang kaganapan na hinanda ng unibersidad. 

Nagsimula ang araw sa isang maikling pansalubong na seremonya at ito ay sinundan ng parada ng mga karosa ng iba’t ibang departamento ng paaralan. Ang tema ng parada ngayong taon ay mga pelikulang ipinalabas sa Disney kaya’t naging makulay at magarbo ang mga karosa. Inikot ng mga karosa at mga estudyante ang isang parte ng Intramuros. Kaming mga estudyanteng naghiyawan at nagsi-awit habang naglalakad. 

Matapos ng parada kami ay dumiretso sa gymnasium ng Mapua at doon kami nanood ng field demo. Bago magsimula ang sayawan ay nagtalumapati muna ang presidente ng unibersidad na si Dr. Reynaldo Vea. Matapos nito ay ang mga estudyante at mga propesor ng iba’t ibang departamento ay nagpasiklaban sa pamamagitan ng nakakaaliw na pakulo sa kanilang mga presentasyon. Kaming mga manunood ay nakikanta at nakisayaw sa mga tugtugin, hindi lang yun, sinalubong ng masigabong palakpakan ang lahat ng tumapak sa entablado dahil sa talentong kanilang pinakita.

Sa hapon ay ginanap ang Misa para sa selebrasyon at ito ay sinundan ng konsyerto kung saan inimbitahan ng Unibersidad ng mga musikero katulad nina Caleb Santos, Better Days, at La Luna. Labis na nagsaya ang buong komunidad ng Mapua sa bawat mang aawit at kantang kanilang nasaksihan. Malakas ang hiyawan sa buong gym sa kahabanaan ng programa. Ang aming grupo ay nakisaya at nagsigawan ng makita ang aming mga paboritong banda.

Natapos ang selebrasyon sa pamamagitan ng fireworks display. Kami at ang mga natitirang mga mag-aaral ay nagtipon sa harap ng Admin Building at pinanuod ang mga paputok. Napuno ng palamuti ang langit sa ibabaw ng Mapua at sasama ang institusyon pinanuod ito. 

Ang araw ng Paskong Mapuan ay nagbigay aliw at kasabikan para sa nalalapit na pasko para sa aming mga estudyante. Lalo na’t ito ang kauna-unahang pagdiwang nito ngayong taon. Bilang isang estudyante, labis kong kinagagalak ang paghahanda ng paaralan ng ganitong mga programa dahil sa mga sandaling ito ay nakakalimot ako ng mga problema at lungkot. Malaki ang aming pasasalamat sa institusyon dahil dito.

Malikhaing Gawain: Pinta at Patimpalak

Nilinang ko ang aking kakayahan upang makapagpinta ng larawan sa isang kuwadro gamit ang mga pintura na oil, acrylic, o watercolor sa loob lamang ng tinakdang oras katulad ng isa hanggang tatlong oras lamang sapagkat ako ay laging sumasali sa On-the-spot painting contest ng iba’t ibang mga paaralan, organisasyon, at mga kumpanya katulad ng Faber-Castell Philippines, Manila Bulletin, University of Sto. Thomas, Light Railway Transit inc., at marami pang iba. Naging libangan ko na ang pagsali sa paligsahan dahil naging lugar ng pageensayo ko ito upang makapagpinta sa loob lamang ng binigay na oras kaya kailangan ko makagawa ng larawan naaayon sa temang ibinigay ng kumpetisyon ng mabilisan ngunit pulido dahil kailangan mo maipasa kaagad ang iyong gawa upang suriin ng mga hukom ng kumpetisyon ang bawat mga likhang-sining ng mga sumaling kalahok.

piopio

Ang pagsali ng kumpetisyon ay magastos dahil kailangan mo paglaanan ng materyales na gagamitin lalo na iba-iba ang kinakailangan na materyales ng bawat kumpetisyon kaya minsan ang gagamitin lang ng mga makikilahok ay maaaring pencil lamang o hindi kaya ay brush at watercolor. Pinaglalaanan ng maraming oras ang pagsasanay bago ang mismong araw ng kumpetisyon dahil kailangan kalkulado mo ang bawat minuto ng iyong pagguhit at pagpinta sa iyong papel o canvas upang masiguro na hindi ka mataranta o magkaroon ng artist block habang ikaw ay gumagawa ng malikhaing sining. 

bov

Sining Pagganap: Panonood ng Pelikula

Ang mga Pilipino, kung pakaiisipin, ay hindi lamang gusto ang mga pelikula. napalapit na din ito sa kanilang mga puso. Ang panonood ng pelikula ay ginagawang libangan ng mga pamilya, mag-babarkada, at ng mga magsing-irog. Ang panonood ng pelikula ay nagsisilbing panahon ng kanilang pagkakabuklod-buklod. Makikita rin kung paano na nagiging bahagi ng buhay ng mga Pilipino ang pelikula sa pagkahilig nila sa pagbili o paghiram ng Betamax,VHS,VCD at sa panahon ngayon, ay ang DVD #. Lokal man o foreign ang pelikula ay dinadagsa pa rin ito ng mga Pilipino.

Sa katunayan, noong bata pa lamang ako, hilig ko na ang manood mapa pelikula man ito o mga serye. Masaya ako kapag dinadala kami ng aming ama sa sinehan o kaya kapag may bagong bili na dvd. Noon din ay nawiwili ako sa mga cartoons, katulad ng toy story, finding nemo, aladdin, cars at maraming pang iba. Nakatutuwa ang pang unlad ng industriya ng sining pagganap, Mula sa simpleng pagtatanghal sa mga teatro, hanggang sa paggamit na ng ibat ibang teknolohiya upang makapaglimbag ng iba’t ibang programa sa telebisyon at sa mga sinehan. Ang pinaka paborito kong pelikula ay ang Spiderman: Into Spider verse Sa pagpasok ko sa kolehiyo ang kursong kinuha ay ang Civil Engineer ngunit aking napagtanto na hindi ito talaga ang gusto ko. Dahil sa hilig kong manood ng mga ibat ibang pelikula at serye, ito ang nagsilbing inspirasyon upang kuhanin ko ang kursong Multimedia Arts, dahil pangarap kong makagawa o maging bahagi ng paggawa ng iba’t ibang programa.

Hindi ko pinagsisihan na lumipat sa kursong ito dahil dito ako masaya.Sa totoo lang ito ang naging daan kaya lalo ko pang naintindihan kung paano ito ginagawa. Pinapangako ko na ako’y makakatapos at magiging isang matagumpay na Graphic Designer.

Andrej Gascon

Memoir: Sa Likod ng Disenyo ng Dyaryo sa Paaralan

Noong Hunyo 2017, lumapag ako sa isang trabaho na hindi ko naisip na mangyari sa totoong buhay. Nagumpisa ito sa ikaunang pagpupulong ng organisasyon para sa pahayagang pampaaralan, ang Green Meadows. Pinamamahalaan ito ng dalawang guro na mahusay sa wikang Ingles, kaya mahigpit sila sa kanilang pagsusuri ng mga estudyante para sa napili nilang posisyon. Makalipas ng ilang araw, hindi sila naging tagumpay sa paghahanap ng estudyante na angkop para sa trabahong Layout Artist. Dahil dito, isa sa mga guro ng Green Meadows ay lumapit sa senior high, kung saan napunta ang mungkahi sa akin. Nung una, ako ay nag-aalangan dahil wala akong karanasan ukol sa paggamit ng mga kailangan na software katulad ng Illustrator at InDesign. Gayunpaman, kinumbinsi pa rin ako dahil nakikita nila ang talento at potensyal ng aking kakayahan sa sining. Sa dulo ng araw, tinanggap ko ang posisyon at nagsimula na magtrabaho pagkatapos ng ilang linggo.

Habang ginagawa ko pa ang unang dyaryo para sa paaralan, hindi ito’y tumagal na maging sanay sa mga program pang-edit. Ngunit naging isyu para sa mga ibang miyembro ng admin ang bagong itsura ng dyaryo base sa aking disenyo. Lumayo ito sa tradisyunal na disenyo, kaya’t ito ay umabot sa isang debate. Mula sa tipikal na Times New Roman o serif fonts para sa talata, hanggang sa modernong san serif fonts. Napunta din ito sa kulay mula sa mga matatapang na berde hanggang sa mga malalambot na berde. Sa huli, ako’y naging tagumpay at inaprubahan ang gagamiting huling disenyo sa susunod na dalawang taon. Para sa susunod na apat na dyaryo, lumawag ang pag-iisip ng pamantayan sa pagiging malikhain ng mga estudyante sa paaralan.

Makalipas ng ilang buwan, nakatapos na rin ako ng pag-aaral sa senior high. Ngunit sa aking pagkagulat, nakatanggap ako ng medalya para sa Best in Journalism kasama ang editor-in-chief ng Green Meadows. Hindi ko naisip na matatanggap ako ng ganito para lang asikasuhin at tapusin ang paggawa ng mga dyaryo sa tamang oras. Hindi lang ako natuto sa paggamit ng mga Adobe apps pero napag-aralan ko rin kung paano mag-proofread ng maayos. Sa aking posisyon ng Layout Artist, ang pinakamahalagang aralin na natutunan ko ay ang pagiging bukas sa mga pagkakataon na lalabas sa harapan mo. Naging parte ito sa pagtungo ng aking bagong buhay sa kolehiyo kaya hindi na madali para sa akin na basta basta lamang mag-back out. Sa huli, hindi natin malilimutan ang konsepto sa importansya na maging masaya sa mga ginagawa mo.

Vincent Llanes

Design a site like this with WordPress.com
Get started