
Disyembre 17, 2019
Isang abot buto sa lamig na pagbati mula sa Japan! Napakasarap ng malamig na simoy ng hangin dito na tila baga’y uulan ng niyembe sa kung saan man ang aking kinatatayuan. Gusto ko lamang ibahagi dito ang unang araw ko sa Japan.
Kasama ang aking pamilya, lumapag ang aming sinasakyang eroplano sa Kansai International Airport na kung saan naramdaman agad naming ang lamig ng simoy ng hangin. Simula na kasi ng Winter season sa Japan ngayon. Kami ay dumiretso na agad sa aming tutuluyan dito sa Osaka. Napakaganda ng mga tanawin habang kami ay papunta sa aming tutuluyan, talagang makikita mo kung gaano kaunlad ang bansang ito. Unang araw pa lamang namin ay talagang nabighani na kami sa ganda nito. Napakaraming puwedeng gawin tulad ng paglalakad sa malinis nilang mga kalye, paggamit ng mga toilet na may makabagong teknolohiya at higit sa lahat, ang mga vendo machine na makikita sa kalsada na naglalaman ng iba’t ibang masasarap na inumin.
Syempre, hindi mawawala sa aming dapat gawin ang pagtikim sa mga pagkain dito sa Japan. Napakasarap ng mga Ramen at Tonkatsu dito, ibang iba sa mga nakakain natin sa Pilipinas kumbaga’y “authentic” ang pagkakagawa nito. Pati na rin ang napaka-epektibong transportation system sa bansang ito ay talagang kabigha-bighani. Maari mong malibot ang buong bansa nila gamit ang kanilang mga “bullet train”.
Talaga ngang babalik balikan mo ang bansang ito dahil sa iba’t ibang dahilan. Unang araw pa lamang namin ay hindi na matawaran ang mga magagandang bagay na aming naranasan dito. Hanggang sa susunod na dyornal.
Derek Cabatbat
